BAKIT KAILANGAN
MAG-IPON?
(Eto ang isang tanong na napaka-daling sagutin, tanong na
napaka-daming sagot, mga sagot na nakakalito at hindi malaman kung ano ang
unang isasagot.)
Sagot ng karamihan:
“para makabili ng magagandang damit at gamit”
“para makabili ng bagong phone”
“para makabili ng dream car”
“para makapag-travel”
“para mabigay ko ang pangangailangan ng pamilya ko”
“para sa pag-aaral ng mga anak ko”
“para maka-bili ng sariling bahay”
“eh kasi, gusto ko
magkaroon ng magandang kinabukasan”
“eh kasi, gusto ko mag-business”
PAANO KA
NAG-IIPON?
(Eto ang isang tanong na medyo mahirap sagutin, tanong na
hindi mo alam kung paano sasagutin at ano ang dapat isagot.)
Sagot ng karamihan:
“Sa alkansya”
“binibigay ko sa nanay ko”
“sa ATM ko, nag-titira ako ng pera pag sweldo”
“sa banko, may bank account ako. Nag dedeposit ako kada
sweldo”
“pinapa-utang ko”
So, MAGKANO NA ANG
IPON MO?
(Eto ang tanong na ayaw sagutin, tanong na walang sagot.)
Sagot ng karamihan:
“wala.”
“wala. Kasi nagamit ng nanay ko yung patago ko nung
nagkasakit ang isa sa pamilya namin”
“wala. kasi napabili ako sa mall nung nag-sale”
“wala. kasi wini-draw ko din yung pera ko sa banko nung
nangailangan ako”
“wala. naloko kasi ako nung umutang saken”
“Meron, pero kulang pa”
Matapos kong makuha ang sagot sa mga tanong ko, di ko na
naituloy pa ang mga pagtatanong tungkol sa pag-iipon.
Na-realize ko na napaka-daling pagisipan kung ano ang mga
dapat pag-ipunan, pero napakahirap mag-ipon.
Bakit nga ba
mahirap mag-ipon?
Sagot ng karamihan:
“dahil sa dami ng araw-araw na gastusin.”
“dahil may biglang hindi inaasahang pangyayari.”
“dahil kulang ang kinikita.”
“dahil mahirap mag-budget.”
“dahil sa monthly bills.”
“dahil sa
pagbabayad ng utang”
Nagulat ako sa mga sagot ng karamihan. Nahihirapan sila
mag-ipon, pero may mga trabaho sila, malaki ang kinikita nila, magaganda ang
mga suot nilang damit, may magagandang gamit, nakaka-kain sa mamahaling
restaurant, may pang Starbucks, may pang-libre sa kaibigan, may magandang phone,
camera, kotche. Pero walang ipon at ang malala,
may utang pa.
Hindi naiisip ng karamihan ang kahalagahan ng pag-iipon
kasi alam nilang meron silang trabaho.
Inisip ng karamihan na may dadating na sweldo bwan-bwan.
Kaya, kung hindi man sila nakapag save ngayon, next na sweldo na lang. Hanggang
sa next ulit, susunod na next, hanggang sa iba na naman ang priority at
makakalimutan nang mag ipon.
Yung iba naman, nakaka ipon ng saglit, pero pag nakakita
ng nakaka-akit na bagay, hahalungkatin ang itinago sa alkansya, o kaya naman, wiwi-drahin
ang iniwang pera sa ATM, o kaya naman kukunin ang perang ipon sa banko hanggang
mag back to zero nanaman.
Disclaimer:
Totoong maraming araw-araw na gastusin, totoong may mga
biglang hindi inaasahang pangyayari, kulang na kita, totoong mahirap mag-budget
dahil sa monthly bills. Pero ano ba ang dapat
gawin?
O ano na ba ang ginagawa
mo para hindi ka makulong sa routine na ito?
(okay, dahil
mabait ako, I’ll give you time to think for your alibis)
For now, here are
the things that you need to realize:
1.
Kung ikaw ay umaasa lang sa sweldong natatanggap
mo kada bwan, ano ang back up plan mo pag magkasakit ka at napa-absent ng
matagal?
Take note, dahil wala kang
ipinasok, mababa din ang su-sweldohin mo. So, saang bulsa ka huhugot ng pang gastos hanggang
sa susunod na sweldo? Please never ever think about “UTANG”
2.
Kung ikaw lang ang inaasahan ng pamilya mo at bigla
kang mawalan ng trabaho dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari (I hope not),
pero ano ang ipang gagastos mo? Or para mas mabigat, ano ang ipang gagastos ng
PAMILYA mo? Please never ever think about “UTANG”
3.
Hindi habang panahon malakas ka. Pano pag hindi
mo na kayang mag trabaho? Pero dahil walang kang pera, o ipon, WALA KANG
CHOICE. MAGTA-TRABAHO KA kahit di mo na kaya. Please never ever think about “UTANG”
4.
Kung ikaw naman ay pamilyado. At ang dahilan ng
hindi pag iipon ay ang pagpapa-aral ng anak, at aantayin na lang ang anak na
mag trabaho para makapag retiro at magpahinga. Mas maganda sana kung
makakapag-retiro ka nang may sariling pera. Yung perang sayo na lang. hindi na
sa mga anak mo dahil may sarili na sila. Mas masarap magpahinga at
pa-baka-bakasyon na lang sa iba’t ibang lugar dahil alam mo na natapos mo na
ang tungkulin mo sa mga anak. Please never ever think about depending on your
child since utang na loob nila sayo ang pagtatapos nila. Alam mo bang 8 out of
10 parents here in the Philippines depends on their kids after retiring? Hindi
ideal, at hindi din magandang burden ka pa ng mga anak mo. Napagdaanan mo yun,
kaya dapat alam mo ang hirap.
5.
Sa mga single na hinahanap pa rin ang kanilang
forever, yang stage nang buhay mo ang pinaka importante ang pagiipon. Instead of
pursuing for forever, why not invest for yourself? Mag ipon ka. Wag mo sayangin
ang oras at pera mo sa paghahanap ng partner o para sa pagkain, pag i-stess
shopping, pagiinom, pag ta-travel para
makapag move on.
Gamitin mo yang precious time na yan para
mapalago mo ang sarili mo. Para pag
dumating na ang tamang tao, ready ka na financially at any time pwede nyo na
i-level up ang relationship nyo by buying house, car or… prepare for you wedding! :)
6.
Hindi naiisip ng nakararami ang kahalagahan ng
pagpa-plano, pag iipon, pag hahanda para sa bukas dahil maganda ang sitwasyon
ngayon. We should know better. I don’t
want to be negative, pero ganun naman talaga. We will never know what will
happen tomorrow. And the least that we can do is to save and secure our future.
We just need to be realistic and to be practical. DON’T SPEND BEYOND YOUR NEEDS!
7.
Having low salary is not an excuse. Should I mention the best salawikain that I
learned from my mother? “Kung maiksi ang kumot, matutong mamaluktot”
At kung mapapansin mo, dati, nung maliit pa
lang ang kinikita mo, napagkakasya mo at may natitira pa. Nagyong tumaas na ang
kinikita mo, minsan nagkukulang pa rin. So, by saying that, is it really having
low salary was the problem or our lifestyle?
8.
Hindi rin uso ang “treat yourself” lalo na pag araw
araw ka nang over spending (yung tipong umuutang ka na to treat youselft). Or yung
dahilang “I deserve to be happy” yeah, you deserve to be happy. And you
deserved to be happier in the future. As long as you can, try to be happy by
not spending much. Appreciate simple things and less expensive stuff.
9.
“I cannot bring my money to death and so I spend
it now” or “YOLO. You Only Live Once so spend as you can”. Those are the most stupid excuses that you can
make. If that is your reason then you deserved to be dead soon. Because you are
not thinking about anyone else. What about your family? Those people rely on
you? You are lucky if you are only living for yourself. But the thing is, what
will happened to the people you’ll left behind? Think about it.
10.
To those who are able to save, I would like to
commend you! :) You are one of the most endangered people in the Philippines who are able to do
so. Now, the question is: are you saving enough? Are you saving wisely? Do you
know that, the savings of yours can work for you without losing the capital
amount that you’ve already saved?
Please follow my next blog. I will share to you how to start saving, where to save and everything about it. :)
My Fair, Is My Fair, Is My Fair, is My Fair Casino?
ReplyDeleteI'm an https://febcasino.com/review/merit-casino/ online 출장안마 casino and gri-go.com have been playing at Fair since 2018 and it's still not getting worrione better. I am a young https://deccasino.com/review/merit-casino/ and inexperienced gambler,